buntong-hininga

February 22nd, 2009 by leyn
minsan may dumarating na punto sa iyong buhay na mapapaisip ka.

yung bang dumarating sa buhay na magtatanong ka sa sarili mo ng “bakit gano’n?”. yun bang tipo na magtataka ka na bakit nga nagkagano’n?

yung parang ang feeling mo hindi patas ang mundo pagdating sa iyo?

yung bang feeling na hindi kapani-paniwala na “ikaw? may problema?!!!”

as if naman imposible para sa isang tulad ko ang magkaproblema.

porke ba nakikita nilang lagi akong maingay at puro kakikayan at kakalog-an, hindi na ba kapani-paniwalang meron pala akong mabigat na dinadala?

mahirap ba makita na ang isang tulad ko ay may pasaning mabigat sa kasalukuyan?

na ang hinihingi lamang sa iba ay pang-unawa sa kasalukuyang kalagayan?

kunsabagay hindi naman talaga pwede asahan yun… sabi nga, huwag mong hanapin sa iba yung nasa iyo. at talagang hindi pwede maging patas ang mundo… meron talagang sasabihin mong mapalad, meron tila pinagkaitan. kaya nga ganito ang mundo ay para magkaroon ng balance. dahil kung ang lahat ay pantay-pantay sa lahat ng aspeto (yaman, dunong, etc.), malamang chaotic ang mundong ibabaw.

kaya sa mga puntong ganito, wala ka namang ibang karamay talaga kundi ang sarili mo… at yung nakakakita sa lihim, na Siyang lubos na nakakaunawa.

kaya pag nakaranas ako ng ganitong pakiramdam, ganito lang ang ginagawa ko:

  1. bumuntong-hininga;
  2. magsulat sa blog;
  3. o kaya umiyak habang gumagawa ng entry sa blog;
  4. tapos “makipag-usap sa lihim”;
  5. tapos matulog (kung makakatulog agad ako after doing no.4), hoping na sa paggising ko sa umaga, magaan na uli ang pakiramdam ko.

kaya heto ako ngayon, nagsimula nang bumuntong-hininga kanina… dahil kanina ko pa pinipigilan lumuha, pero di ko nagawa… at ngayon ginagawa ko ang entry na ito sa aking outdated blog, at maya-maya ako’y iidlip na rin… para may power uli sa araw ng bukas.

ganyan lang po ang ginagawa ko pag may sama ako ng loob pero di ko pwede ilabas.

goodnight world…

first time

January 20th, 2009 by leyn

graveyard shift kasi ako this week, so ang lola nyo super bangenge. nakaka-3 nights pa lang ako, at heto, mukhang mababa na ang stamina ko. ganyan yata talaga pag nagkaka-edad, hehehe!

before kaya ko hindi matulog ng 48hrs straight… lately pag di direcho ang tulog ko, hindi kinakaya ng katawan ko. natatalo ako ng pagsakit ng ulo ko.

kahit 2 hours lang basta direcho at walang istorbo okay na sa akin.

kaso pag meron kang makulit na chikiting sa tabi mo at dalawa lang kayo, paano ka nga naman makakatulog kung lagi ka nya gigisingin sa pamamagitan ng pagsundot ng butas ng ilong mo?

hahahaha!

anyway, magkukuwento lang ako eh ang haba na ng entrada ko.

eto na nga ang kwento ko:

nagising uli ako sa aking pagkatulog-manok around 3:30pm, tumatawag pala si brad babi. kaya ako naman nagreturn call.

ask nya lang na pumunta ako. sabi ko sana magising ako kasi patulog pa lang ‘kako ako.

ask ko rin siya kung ano ba ang plano para kay mentor.

sabi nya sa praktis na lang daw bago umawit. ask nya uli ako kung pupunta ako.

sagot ko uli sana magising ako, di man ako makasama sa pag-awit, punta ako.

ang siste, di ako nagising. walang silbe ang alarm clock ko sa araw na ito. kainis tuloy.

nagising lang ako nang tumawag si brad magz, around 9:30pm na yun!

sabay sabi, “sister, pakinggan mo ito!”

aba’y umaawit sila… inaawit nila yung happy birthday song.

shempre akala ko naman, para kay mentor yun. kaya super hiya ako kasi nga wala ako sa pagkakataon na yun.

pinakausap sa akin si mentor, mega explain naman ang lola nyo… sagot nya sa akin “para sa atin daw ito”.

kasama rin ako sa plano nilang sorpresa… kaya nasorpresa rin ako. nakakahiya talaga… wala ako nasabi kundi “pasensya mga kapatid”. :(
kasi first time ko na mabigyan ng gano’n, yung i-surprise ka nila. kahit ba sabihin na sabit lang ako dahil ang talagang sosorpresahin namin ay si mentor na nagkataon ay January Celebrant din (syempre, mas important ang mentor dahil mentor nga namin siya eh), ibang level of excitement yun di ba?

mas masaya sana kung andun ako mismo sa harap nila. kasi wala nga ako sa harapan nila, naluha na ako. what more kung andun ako mismo?

shocks.

tirhan na lang ninyo ako ng cake, hahaha!!! jokeness!!!

salamat po sa Dios sa mga bagay na di ko na nalalaman! at sa mga bagay na darating pa!

to infinity and beyond…

January 19th, 2009 by leyn

isang taon na naman ang dumaan mula nung huling post ko dito. haven’t got the chance to update my blog, kawawa naman siya. naturingang blogger at kasama sa samahan ng mga blogger pero outdated ang laman ng blog ko, kalungkot.

ang dami kasing pressures…

ang dami ng suliranin…

ang dami ng kailangan gawin…

ang dami ng kailangan unahin…

pero sa kabila ng pagka-busy-busyhan ng tao, may mga bagay ka pa rin dapat na bigyang halaga.

kahit papaano, bigyang halaga mo ang sarili mo.

gaya nito, isang taon na naman ang dumaan, parang kelan lang. ambilis dumaan ng mga araw

naka-365 days na pala ulit no’n.

365 na naghapon at nag-umaga.

last year, perfect number…

this year, it’s the number “8″.

they say that the number 8, when laid across, stands for the “infinity” sign.

how i wish gano’n nga, sana makaabot pa at makasama sa dakong yun ng walang hanggan.

hindi naman kasi tayo dito laging mamamayan. hindi naman sa lupang ito ang ating “bayan”.

sana sa mga darating pang mga paghapon at pag-umaga, anjan pa rin Siya, laging nakagabay, laging nakaalalay, laging nakasabay.

at laging magtitiyaga sa aking kaliitan… wag sana Siyang magsasawa sa mga tulad ko.

kasi super hina ko sa maraming bagay. kung ‘di ko Siya kasama, hindi ko magagawa ang mga bagay na nagagawa ko ngayon.

I am not a superwoman… pero because of Him, I become “one”, so to speak.

to infinity and beyond!

maligayang bati sa atin!

seven… another perfect number

January 18th, 2008 by leyn

noong bago pa lang ako sa pananampalatayang sinamahan ko 7 years back, pag nakakakita ako ng nagpapasalamat dahil naka-5, 6, 7 years or more na sila, naiinggit ako. inisip ko no’n sa sarili ko, "wow! ang galing!". inisip ko na sana ako rin makaabot ng gano’n katagal. ngayon, ako naman ang nakaabot ng gano’n katagal. yung mga narinig ko noon plus 5, 6, or 7 years na rin ahead of me. sana makaabot pa rin ako hanggang gano’n katagal… sana makapanatili pa rin tayong lahat hanggang sa wakas.

baka akala nyo naman pagkatuwid-tuwid ko at umabot ako sa samahan ng ganito katagal… hindi noh! hindi ako perfect… nagka-"history" rin ako. and i tell you, hindi madali ang magkaroon ng marka. kumbaga sa sugat, mag-iiwan yun ng peklat ng alaala na minsan isang panahon ay nadapa ka at nagkasugat, na kahit lagyan mo ng sebo de macho ay hindi mawawala… magfe-fade ang color ng peklat, pero hindi pa rin mawawala. magsisilbing tanda yun para magpapaalala sa akin ng nangyari sa nagdaan.

noong ika-3 taon ko, sabi ni sis bing nung lumapit ako sa kanya para magpapirma ng TG form that time sa Apalit, "perfect number ang 3 sis, marami kang dadanasing pagsubok. ingat ka po". hindi po nagkamali si sis, totoo nga pong may pinagdaanan akong pagsubok, at nadapa ako. gaya ng iba, may mga "tungkulin" rin ako sa loob. masakit at mahirap sa kalooban na nawala sakin ang mga yun. inakala ko no’n katapusan ko na, inakala kong mahihinto ako. natakot ako. isang paksa sa TG ang napakinggan ko… siguro niloob ni Bossing na maipaksa yun kasi nakita Niya yung bagbag ng kalooban ko. maawain talaga si Bossing, kasi hindi Niya hinayaang mahinto ako sa kabila ng pagkakadapa ko. natapos ang maraming buwan ng pagtitiis at pangungulit sa Kanya at kay Ingkong, nakabalik rin sa awa’t tulong Niya. sapat na sa akin yung makabalik muli sa kulungan Niya. hanggang niloob Niya na makapunta ako sa ibang dako ng mundo. sa hindi inaasahang pagkakataon, biniyayaan muli Niya ako ng tungkulin, & this time yung pag-awit ang ipinagkaloob Niya sa akin.

ngayon ika-7 taon ko. another perfect number. i already presumed na may mga dadanasin muli akong matitinding pagsubok at pagliliglig. aalalahanin ko uli yung sinabi sa akin ni sis bing para mas lalong mag-ingat. sa awa’t tulong ni Bossing makakapagpatuloy ako. alam ko hindi Niya ako pababayaan… kasama ko Siya eh.

48 lang kami na nailubog noong January 19, 2001. hindi ko na nagawang makilala yung 47. hindi ko rin alam kung nasa loob pa sila. wala rin akong nakakaulayaw na ka-eksatong birthday ko. pero nasa’n man sila at kung na’ndito pa rin sila, alam kong kaisa ko sila sa pagsasaya sa araw na ito, at tangan-tangan palagi yung pag-asa sa puso na pangarap nating lahat… na makarating tayong lahat hanggang sa Finals.

naalala ko yung kanta sa isang blog post ni bro. josepherdon… old rock song na ito pero naalala ko lang uli:

"Biyaheng Langit pare ko ang pasada ko
Umangkas na lahat kayo
Makasalanan rin akong sakay sa biyaheng ito pero
sa Awa Niya’y aabot rin tayo"

maligayang bati sa ating lahat!

brrrrr…. COLD!!!!

January 8th, 2008 by leyn

5:45am… just woke up to do the usual early morning preparation for harvey to school.

as he was still eating breakfast, i peeked at my laptop to see how my Star Trek Voyager’s status in torrent… it’s still at 96% finished, just for episodes 1 & 2! :((

as i minimize its window, i noticed the temperature reader at my desktop… it was 8 degrees celsius outside.

8 degrees???!!! no wonder it’s cold even if the A/C’s off.

since i arrive in the UAE in 2006, this is the coldest so far. last year the coldest was at 14 degrees. i’ve had to wear "long jones" under my skirt just to beat the cold, heh-heh-heh!

i wonder if it’ll be much colder in the coming days.

i wonder if it’ll snow in the UAE… how i wish.

brrr… COLD!!!

gtg! :)

oh my gosh!

December 25th, 2007 by leyn

it’s been quite awhile since i last posted in my blog(s).  as usual, i want to express my sentiments, what i currently feel.  and this time i want to share with you my happiness.  you might say i’m a "shallow" person but who cares?  ikaw ba naman ang unexpectedly na ma-acquaint sa isang "unsung" composer… i mean, hindi matunog ang name na Raymond Hannisian pero yung isa sa mga compositions nya entitled "Love Is The Answer" is familiar, and i guess famous yun among most chorale singing groups, be it amateur or professional.

eto po ang kwento:

sometime last month, i received one email from Ray Hannisian.  sabi nya na he happened upon a post to an internet forum unknown to him, and that since it mentioned his name and his song "love is the answer", he thought of writing me to know if i know the location where he can hear his music streamed online.  syempre mega-reply ang lola nyo… at doon po nagsimula ang exchange of emails.  and since na-frustrate na rin ako sa kakahanap ng musical score sheet ng Love Is The Answer, nag-request ako sa kanya na tulungan nya sana ako makahanap ng site na makakabili no’n at a cheaper price, or if it’s not too much to ask ‘kako, wish ko na bigyan nya na lang ako ng complimentary copy na may autograph niya.

after more than one month, eto ang pangyayari:

pagdating ko sa office kanina, binati agad ako ng isang ka-officemate ko: "may sulat ka galing sa States".  hala, biglang taas ata ng adrenalins ko… parang alam ko kasi kung kanino galing. punta agad ako sa mail tray, at ayun nga, galing po kay Ray Hannisian yung sulat, naka-address personally sa akin.  pagbukas ko ng envelope, 5 musical score sheets na mga gawa nya ang nasa loob, kasama yung Love Is The Answer na may autograph nya… tuwang tuwa ako.  yung isa pang score sheet na "Movin’ On" ang title (which is, by the way, his first published song), may autograph rin nya.  yung other four titles naman walang autograph, pero okay lang basta galing sa kanya okay na.

i am so happy talaga, kasi inisip ko rin na baka nagpapanggap lang siya. pero hindi, totoo talaga siya. i have his personal address, nakasulat sa envelope (in case you want it). i was planning to post pictures of the envelope & its contents sa blogger site ko.  as soon as i finish taking pictures, i-upload ko agad so i can post them.

to Sir Raymond Hannisian, thanks so much!  hope you’ll still keep in touch to ordinary people like me.

and to visit his website, you may go to www.ray3d.com or www.3alitydigital.com kasi yan ang pinaka-business nya. established na ito, kaya he’s going back to his music again.

for his personal email address, just send me a personal message. :)

wala lang, happy lang ako kaya share ko ito… yun lang!

salamat po sa pagbasa!

WORST ENEMY: YOURSELF

April 22nd, 2006 by leyn

Note: Ang mababasa ninyo ay pawang opinion lamang ng may-akda base sa kanyang nararamdaman, at hindi para kontrahin ang sinuman.

                                                                                                              —oo0oo—

Naniniwala ka ba sa kasabihang "Your worst enemy is yourself"?

Ako, oo. At sinasabi ko sa ‘yo, ang sakit sa ulo no’n.

Alam mo kung bakit?

Ikaw ba naman yung maipit sa nag-uumpugang bato? Yung para bang may dalawang tao pero nasa iisang katawan. Iba yung gusto ng isa sa isa.

Ang gulo ko ano? Sabi ko sa ‘yo masakit sa ulo yun eh!

Ewan ko ba! Ako kasi mismo nahihirapan. Iba yung gusto ng isip sa isinisigaw ng puso. Sinasabi ng isip ko na ito ang dapat kong gawin, pero kumokontra naman ang puso. May tiyempo na ginagawa ko kung ano ang rasyonal at lohikal dahil alam ko yun ang nararapat gawin, pero nasasaktan naman ako. Pag tiyempo namang binibigyang daan ko ang nararamdaman ko, para namang may bumubulong sa akin na "oi, bruha, mag-isip-isip ka nga!" Hanggang ang masusunod pa rin ay yung sinasabi ng isip kahit gaano man kahirap at kasakit.

Minsan nga nasasabi ko sa sarili ko na ayaw ko nang mag-isip kasi lagi na lang ako nasasaktan. Sa isang banda, nasasabi ko rin na sana wala na lang akong pakiramdam para di na ako masaktan. Kahit na pinipilit nang limutin yung mga mapait na nangyari, dumarating pa rin yung point na maaalala mo pa rin eh.

Tapos ang mahirap pa ay yung wala kang masabihan. Walang "outlet" kumbaga. Kasi wala kang kasama na pwedeng makinig sa sentiments mo. Kaya ang gagawin mo na lang ay iiyak na lang sa kuwarto, kasi yun lang ang kaya mong gawin.

Pero sa isang banda, maganda rin yung umiyak ka eh. At least, paggising mo sa umaga, okey ka na. Kaya mong nang humarap sa tao na may ngiti at katatagan. Baka isipin tuloy ng iba mapagpanggap pala ako, pero naniniwala ako hindi pagpapanggap ang tawag dun.  Basta ang masasabi ko lang, sa kabila ng pagtatalo ng puso’t isip ko, sa kabila ng sakit at hirap ng kalooban na nararamdaman ko, hindi ko makakayang tumindig na may buong katatagan sa ibang tao kung wala akong SINASANDIGAN… isang bagay na aking ipinagpapasalamat.

Kung wala yung SANDIGAN ko, ewan ko lang kung magagawa kong balansehin yung dalawang nag-uumpugang bato sa pagkatao ko.

^_^

January 19th, 2006 by leyn
It has been five years… saglit pa lang kung
tutuusin, pero parang ang tagal-tagal na rin. Sa loob ng limang taon,
hindi naging madali ang pagtahak ng buhay, pero masarap dahil may mga
kasama ka na nakakaunawa sa iyo. Sa loob ng limang taon, maraming
naganap… may mga masasaya, may malulungkot… may mga mapapait, may
matatamis. Maraming kababagsakan, maraming hinanakit, pero sa awa’t
tulong NIYA, sa pamamagitan ng Kanyang sinugo, heto pa rin ako,
nakatayo… nakakapit. Minsang nadapa, may ilang panahon ring nawalay
sa Kanyang kulungan, pero kinahabagan Niya pa rin ako… iningatan ako
at ang aking sangbahayan, at muli Niya akong binigyan ng pag-asa.
Ngayon, heto ako’t muling nakabalik, nagsusumikap na makabangong muli.
At naniniwala ako na sa awa’t tulong Niya, matatapos ko rin ang
lakbayin ko sa mundong ito na marapat at naaayon sa Kanyang kalooban.
Hindi
ko na namalayan ang paglipas ng panahon, napakabilis. Salamat sa Iyo sa
lahat ng pag-iingat Niyo, at sa lahat ng Inyong mga kaloob na hindi ko
na masambitla ng aking mga labi.
 
 
I.
Isang taon na naman ang lumipas
Ama ako sa Iyo’y nagpapasalamat
Buhay ko ay Iyong nilingap
Inaaliw ang puso kong naghihirap
 
II.
Kahit may mga sakit at hinagpis
Malilinaw ang puso’t mga isip
Manghawak sa aral nang buong higpit
Upang ang pangako Mo’y aking makamit
 
Chorus:
Ama salamat sa pag-ibig Mong wagas
Sa mga panganib ako’y iniligtas
Itinawid sa ‘king pangangailangan
Masdan, pakinggan, nawa’y kaluguran
Handog na awit sa banal Mong pangalan
 
III.
Batid kong ako’y mayro’ng pagkukulang
Sana ako ay Iyong kahabagan
Linisin sa aking mga kasalanan
Makapiling Ka sa buhay walang hanggan
(Repeat Chorus 2x)
 
Coda:
Masdan, pakinggan, nawa’y kaluguran
Handog na awit sa banal mong pangalan

Kalinga Ng Isang Dukha

August 31st, 2005 by leyn
(i would like to thank Journeyist for this article)

Tuesday, August 30, 2005
ARANETA COLISEUM, Cubao, QC. (August 27, 2005 / 7PM) The lights turned dim, signaling that the show was about to start. Then the standard voice-over announcement cautioned the audience, majority of which were church of God members, "Bawal pong manigarilyo sa loob ng Araneta Coliseum… alinsunod sa anti-smoking law. Hindi naman po sa kayo’y pinipigilan ngunit mas maganda po na sundin natin ang batas ." Ha! Ha! Ha! Nearly, everybody in the fully-packed Araneta Coliseum (aside from the vo announcer or player it would seem) noticed the unintended irony there and that, awkwardly, set the hilarious mood for the night.

This is the first concert of bro.Eli Soriano that I actually see since I joined the church last year. Naturally, I was looking forward to enjoying the evening but I was not prepared to have a really great time instead.

"Kalinga ng Isang Dukha" it was entitled; an unusual title for an unusual concert. It was in fact a benefit show in support of the feeding program of the Bro. Eli & Bro. Daniel Foundation now being done for the benefit of the malnourished school kids in Payatas, Quezon City and soon also in Baseco Compound in Port Area, Manila.

Pop quiz! How much would it take to feed a malnourished child for a day? How about feeding him everyday until he fully recovers from malnutrition? How much would it take? How about feeding an entire school of malnourished kids living in a place like Payatas? Make that two schools, to duplicate the same feat in Baseco, and we are already talking of a staggering amount of money.

To say that the feeding project is ambitious or idealistic would be an understatement but it’s worth a try. Indeed it’s worth a try for someone who feels for the poor like bro. Eli. What is a religious leader’s worth, after all, if he won’t try to make a difference in the life of the poor by catering not only to their spiritual needs but also to their physical necessities?

Incidentally, part of the proceeds will also go to the Ang Dating Daan Dialysis Clinics, where poor kidney patients (regardless of religion) can go for free dialysis treatment. Bro. Eli already ordered additional dialysis machines to be used in the existing clinics in Metro Manila and Apalit Pampanga.

But how can a poor preacher help the poor? He does it the poor man’s way, the bro. Eli’s way, which is to gather people with similar desire to help the poor, including media and showbiz celebrities, and inspire them to willingly give a part of themselves for the cause. The result is a celebration of love. Or to be more specific, a delightful evening of music, fellowship and an unusually high level of hearty laughter, which no amount of money can buy.

The opening number was an enlivening dance performance courtesy of bro. Eli’s multi-talented granddaughter Den-den. Then a special rap dance number was presented by bro. Dinky Doo, bro. Hamilan and Isko Salvador (a.k.a. Brod Pete of Ang Dating Doon fame). To see Dinky Doo dancing was already a bonus in itself but to see Brod Pete in hip-hop outfit, rapping and dancing his heart out on stage? That, you just have to see for yourself to believe, brother! It was curious enough that the rap sounded like it was biblically-inspired and mixed with famous Ang Dating Daan lingo like "Basa!" What turned out to be really cool was that the rap was taken from a yet-to-be-screened Ronnie Ricketts movie starring “Lagot Ka Sa Kuya Ko” starring bro. Dinky and (what is this?!) bro. Hamilan too in a supporting role!!! True enough direk Ronnie confirmed it on stage. Hanep naman! :-) Abangan!!!

Then came the Bentot and Bentong classic slapstick act with Bentot junior’s famous line "Heto mga kapatid, yung matagal na nating hinahanap! Nahuli ko na ang tiktik!!!"

Brother Eli followed and captivated the audience with his favorite songs like Un Historia de un Amor and Kiss The Day Goodbye. When he sang "Hello Dolly!” bro Eli just can’t resist dishing out his own version to the song and half-way through the song he belted… " well, hello Garci!… well, hello Garci!…" (someone should send me a copy of the lyrics!)

Like all the rest of guests who performed without talent fee, The Company graced the concertand true to form, serenaded the brethren to some of their loveliest songs on record. Although I am a true blue sentimentalist, I guess their most memorable song of the evening was their intriguingly awesome rendition of Ereaserheads’ "El Bimbo". I have just one word for that. Wow! For more of The Company, watch our for their 20th anniversary concert very very soon! And check out their website too!

Shortly, the loud speakers exploded to the tune of the lively UNTV37 daystarter "Pilipinas Gising ka na ba???…" and pretty soon the faces on stage were replaced by the hosts of the best alternative morning show on Philippine TV. What on earth will they do in a concert? Yes they all sung! After much cajoling that is. Jay Sonza belted his rendition of "What a Wonderful World"… the pasaway queen "Gandang Jaya" did all sort of things including sing Abba’s "Dancing Queen"… could you believe "Mr. Bitag" Ben Tulfo danced? Yes he danced while trying his best to come out with a few lines of a song! And who in his right mind could forget the Atty. Batas Mauricio’s Tagalog version of "Kiss the Day Goodbye"!!!? And this was sung side-by-side with bro. Daniel Razon’s English version. Yes, ala Dolphy and Panchito!

Then the MLIG moment came. Guest performer Angelica Jones sang her signature song " Miss Flawless". It was a big hit. (what is MILG? all I’ll say is I can handle it but go and figure it out for yourself, George!)

Then the singing punchline, K Brosas (of K and the Boxers) took over the stage and everything went really wild from then on. I have seen comic singers but I did not know that someone could actually sing so well and do a sensational standup comedy at the same time but K surely can. She was a smashing, stirring, riotous punchline all to herself I hope she never tires of helping bro Eli and bro Daniel. Her brand of comedy was so unpredictable it was patently irresistible. Yes. It’s confirmed. I am now officially a fan.

I hope the brethren in the provinces or abroad could get a vcd copy or something. No one deserves to miss a concert like this. It was for a good cause and a good laugh. Having said all this, my only question in mind is, when oh when will the next concert be?

What I Did For Love

August 31st, 2005 by leyn

this is one of the tear-jerky songs that was sung during the concert last August 29 at the Araneta Coliseum.  i really don’t know, but while Bro. Eli was singing this, tears fell down my cheeks.

WHAT I DID FOR LOVE
from A Chorus Line : The Musical
(Music by Marvin Hamlish / Lyrics by Edward Kleban)

Kiss today goodbye
The sweetness and the sorrow
Wish me luck, the same to you
But I can’t regret what I did for love, what I did for love

Look my eyes are dry
The gift was ours to borrow
It’s as if we always knew
And I won’t forget what I did for love, what I did for love

Gone, love is never gone
As we travel on, love’s what we’ll remember

Kiss today goodbye
And point me towards tomorrow
We did what we had to do
Won’t forget, can’t regret what I did for love

What I did for love
What I did for love

Love is never gone
As we travel on, love’s what we’ll remember

Kiss today goodbye
And point me towards tomorrow
We did what we had to do
Won’t forget, can’t regret what I did for love

What I did for love
What I did for love